Umabot na sa 28 na patay ang naitala sa pagbagsak ng pitong palapag na gusali sa Cambodia.
Ang gusali sa lungsod ng Sihanoukville ay under construction nang biglang bumagsak noong umaga ng Sabado.
Ang mga cambodian na mangagagawa na nasa loob gusali ang mga namatay.
Ang pagbagsak ay nagdulot din ng pinsala sa isang kalapit na Japanese restaurant. Ang japanese na may-ari nito at dalawang miyembro ng kanyang pamilya ay nagkaroon ng maliliit na pinsala.
Isang kumpanya ng chinese ang namamahala sa konstruksiyon o pag-gawa sa mga gusali.
Ayon sa report, ipinahayag ng gobernador ng Sihanoukville na inutusan ng mga awtoridad ang kumpanya na suspindihin ang trabaho sa istraktura nang dalawang beses na, dahil hindi ito sumusunod sa mga pamantayang teknikal.
Ikunulong ng mga opisyal ng pulisya ang tatlong Intsik at isang Cambodian bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng gusali.
Ang Sihanoukville ay isa sa mga pinaka-popular na beach resort sa Cambodia. Sa mga nagdaang taon, dumarami ang bilang ng mga turista mula sa China na bumisita sa lugar. Bunga nito, nagsulputan ang mga hotel at condominiums sa nasabing lugar
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation