Pinaalam ng pamahalaan ng Japan ang plano para sa paglulunsad ng next generation 5G network sa lalong madaling panahon. Nakita nila ang pangangailangan ng maglagay ng antenna base stations sa bawat traffic lights.
Nais ng mga opisyal ng gobyerno na ang serbisyong 5G ay masimulan na sa susunod na taon. Ngunit ito ay hindi madali dahil nangangailangan ng maraming antenna installation kaysa sa mga kasalukuyang network.
Nais ng mga opisyal na ilagay ang equipment sa 200 libong traffic lights sa buong Japan. Ito ay magbibigay-daan sa 5G na magawa ng mas mabilis habang pinanatili na mababa ang mga gastusin.
Ang plano ay maibagay ang mga ilaw sa sensor upang ma-detect nito and kondisyon ng traffic. Ito ay magagamit para sa pag- gabay ng daan ng mga self- driving vehicles.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation