Japan, mas papalawakin ang language assistance at free Wi-Fi para sa mga foreigners

Ang mga pagsisikap na ito ay naglalayong matamo ang nakasaad na layunin ng bansa na akitin ang 40 milyong dayuhang bisita sa pagdating ng 2020 kapag ang Tokyo ay nagho-host ng Olympic at Paralympic Games.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: photostock

TOKYO

Sinabi ng pamahalaan noong Biyernes na nagbabalak na magbigay ng impormasyon sa maraming language at libreng Wi-Fi access sa 300 na mga route ng pampublikong transportasyon habang sumusulong ito sa mga pagsisikap upang mapalakas ang papasok na turismo.

Bilang unang hakbang, ang suporta sa wikang banyaga at libreng Wi-Fi ay makukuha sa 100 na lokal na bus at mga route ng train na tumatakbo sa pagitan ng mga airport at sikat na mga tourist spot by Marso 2020, na ang subsidize ng pamahalaan ay halos kalahati ng gastos.

Ang mga espesyal na liaisons ay ipapaskil din sa 87 tourist spot, kabilang ang UNESCO World Heritage sites at national parks, upang tulungan ang mga existing tour guides.

Ang plano ng gobyerno ay mag-install ng kagamitan upang makatulong sa pag-streamline ng proseso ng screening ng imigrasyon sa Haneda airport, port Hakata sa Fukuoka Prefecture at Hitakatsu port sa Nagasaki Prefecture by Marso 2020.

Ang mga pagsisikap na ito ay naglalayong matamo ang nakasaad na layunin ng bansa na akitin ang 40 milyong dayuhang bisita sa pagdating ng 2020 kapag ang Tokyo ay nagho-host ng Olympic at Paralympic Games.

Sa 2018, isang record na 31.19 milyong dayuhang turista ang dumalaw sa Japan, ito ay 8.7 porsiyento na mas madami keysa sa nakaraang taon.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund