Nagsasa-gawa na ng hakbang sa seguridad ang gobyerno ng Japan at mga operators ng mga tren bilang pag-hahanda sa darating na 2020 Tokyo Olympics and Paralympics.
Ang nasabing hakbang ang dahil sa nangyaring pag-atake nuon sa Shinkasen bullet train eksaktong 1 taon na ang nakalilipas. Isang lalaki ang naka-patay ng isang lalaking at naka-sugat ng 2 pang pasaherong babae sa loob ng umaandar na tren.
Dinagdgan na ng mga railway companies ang bilang ng mga nag-papatrolya at nag-lagay ng mga protective shields, stab-proof vest at pepper spray sa loob ng mga train.
Nuong Abril, ipinag-bawal na ipasok ang mga hindi naka- balot ng maayos na mga kutsilyo at iba pang may talim na produkto sa loob ng tren. Ang mga pasaherong lumabag sa nasabing kautusan ay maaaring hindi pahintulutan maka-sakay ng tren o ito ay pababain ng pwersahan.
Ikinukonsidera na ng Transport Ministry ang mga paraan upang ma-check ang mga bagahe ng mga pasahero sa mga istasyon ng tren. Ito ay isang body scanner na maaaring ma-detect ang electromagnetic waves mula sa katawan ng pasahero at mga kagamitan nito, at mag-papakita ng isang imahe. Ang makinang ito ay idinisenyo upang ma-detect kung may bomba o anumang naka-tagong items sa loob ng kasuotan ng isang tao nang hindi naka-aabala sa mga pasahero.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation