Japan, iba-ban ang libreng plastic bags sa mga tindahan upang malabanan ang marine pollution

Plano ng Japan na ipag-utos na bayaran ng mga mamimili ang mga plastic shopping bag sa mga supermarket, convenience store, drugstore at mga department store habang ang bansa ay nakikipaglaban sa marine pollution ng plastic waste.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
A woman carrying plastic bags walks out fof a fruit store in Tokyo. Photo: REUTERS file

TOKYO

Plano ng Japan na ipag-utos na bayaran ng mga mamimili ang mga plastic shopping bag sa mga supermarket, convenience store, drugstore at mga department store habang ang bansa ay nakikipaglaban sa marine pollution ng plastic waste.

Sinabi ng Environment Minister na si Yoshiaki Harada sa isang press conference na ang kanyang ministeryo ay nagplano upang ipakilala ang isang bagong batas na nagbabawal sa  pagbibigay ng mga single use plastic bag nang libre, habang tataasan naman ang presyo ng plastic bag sa mga retailers.

“Ang proporsyon ng mga plastic bag sa mga basurang plastic ay hindi masyadong malaki, ngunit ang pag charge nito ay magiging simbolo” ng mga pagsisikap ng Japan na bawasan ang naturang basura, sinabi ni Harada.

Noong Martes, sinabi ni Harada na sinabi ng Punong Ministro Shinzo Abe na ang panukalang ito ay sumusunod sa tamang direksyon at hinimok siya na “lubusang pakinggan ang mga opinyon ng mga tao.”

Ang Japan ay pangalawa sa pagproduce ng pinakamalaking bilang ng plastic waste per capita na sumusunod sa Estados Unidos at nahihirapan sa pag control ng plastic waste keysa sa ibang bansa.

Inaasahan ng ministeryo ang mga retailers na singilin ang mga customer sa pagitan ng ilang mga yen hanggang sa 10 yen bawat bag. Sinabi ni Harada na ang presyo ay dapat na epektibo sa reining sa paggamit ng mga plastic bag.

Ang ministry ay nagnanais na hilingin sa mga retailers na ang kikitain sa mga nasingil na pera sa plastic bag ay gamitin sa mga proyekto para sa panukala ng environment katulad ng afforestation at pag spread ng awareness ng marine pollution.

Ang pag-charge para sa mga plastic bag ay kabilang sa mga panukalang kasama sa draft na plano ng ministeryo sa pag-recycle ng mga plastic na naipon noong nakaraang taon.

Higit sa 8 milyong tonelada ng plastic waste ang tinatayang dumadaloy sa mga karagatan bawat taon at nagiging sanhi ng microplastics na polusyon, kung saan ang maliliit na piraso ng plastik ay naglalabas ng mapanganib na kemikal at nakakain ng mga isda, ibon at iba pang mga hayop na nagpapatuloy sa food chain.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund