Napag-alaman ng NHK na itutuloy ng gobyerno ng Japan ang pag taas ng consumption tax sa Oktubre. Ito ay isasama sa isang draft pang-ekonomiya at alituntunin para sa piskal na taon.
Ipakikilala rin ng gobyerno ang economic stimulus measure kung kinakailangan. Ang ibang ekonomista ay nag-bigay ng babala na kapag tumaas ang buwis, maaari nitong mapabagal ang ekonomiya ng bansa.
Pina-plano ng Japan na itaas ang consumption tax ng 10 porsyento mula sa kinasanayan 8 porsyento upang mabuhay muli ang fiscal health at magka-pondo ang social security system.
Mag-hahanda rin ang gobyrerno ng mga alitunturin upang talakayin ang demand fluctuation bago at pagka-tapos ng pag taas ng buwis. Kabilang dito ang pagpapanatili ng 8 porsyentong buwis sa mga araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain.
Ayon sa draft, ang Tokyo ay naka-ready nang harapin ang anumang kalalabasan ng trade conflict ng US at China.
Plano ng gobyerno na makuha ang pag-apruba ng gabinete sa katapusan n buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation