TOKYO (TR) – Ang Law Enforcement Division sa iba’t-ibang lugar, kabilang ang Yamaguchi at Yamagata Prefectures pati na rin sa Tokyo, ay inanunsyo ang pag-aresto sa 3 Vietnamese national sa kasong pag-ooperate ng isang krimen na kinukunsiderang “underground bank o black market” kung saan ito ay ilegal na nag-papadala ng pera mula Japan papuntang Vietnam, mula sa ulat ng Sankei Shimbun nuong ika-7 ng Hunyo.
Sa pagitan nh Nobyembre 2017 at Hulyo ng nakaraang taon, si Dao Thi Huong Giang, 34 anyos at manager sa isang trading company sa prepektura ng Chiba ay nag-padala umano ng mahigit 1.35 milyong yen mula sa 5 Vietnamese nationals na naninirahan sa Japan sa bank accounts ng kani-kanilang miyembro ng pamilya sa Vietnam.
Inakusahan ng mga awtoridad ang mga suspek sa pag-labag sa Bank Act ukol sa unlicensed operations.” Hindi ko ikinunsiderang ito ay isang krimen.” sinabi ni Dao sa mga pulis habang bahagyang pag-deny sa mga alegasyon sa kanya. Samantalang, ang ikatlong suspek na babae ay hindi nag-bigay ng pahayag, ani ng mga pulis.
Ginamit ni Dao ang kanilang kumpanya, kinukolekta ni Dao ang mga pera mula sa mga nabanggit na residente sa Japan sa pamamagitan ng pagpa-padala sa isang account dito sa Japan. Hindi naman nanghingi ng commission charge ang suspek ngunit ito ay nag set ng exchange rate sa kanilang mga transaksyon.
Sinabi ng mga pulis, sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan, ang mga suspek ay pinaniniwalaang nakapag-padala ng total na 460 milyon yen mula Japan papuntang Vietnam.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation