Isang sasakyan ang naka-sagasa ng 2 pre-schooler

2 bata ang isinugod sa ospital matapos masagasaan ng 69 anyos na babae sa Nishinomiya, Hyogo Prefecture

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang sasakyan ang naka-sagasa sa isang grupo ng mga pre-schooler sa Nishinomiya, Hyogo Prefecture nitong ika-13 ng Hunyo.

2 bata ang isinugod sa ospital matapos na banggain ng isang sasakyan ang isang grupo ng pre-schooler sa Western Japan bandang 9:55 ng umaga nuong June 13.

Isa sa 2 batang napuruhan ng pagka-bangga ay nag-eedad ng 6 na taong gulang ay nag-tamo ng bali sa kanang balikat nito. Habang ang isa na 5 taong gulang ay nag-tamo ng sugat sa kanyang mga tuhod. Ang 69 anyos na driver ng sasakyan na si Rieko Ueda ay agad na inaresto sa lugar ng insidente dahil sa negligent driving causing injury.

Ayon sa Hyogo Prefectural Police at ng Nishinomiya Municipal Government, ang 17 grupo ng mga bata at 2 staff ng Nozomiyume Nursery School ay papunta sa park nuong nangyari ang insidente. Ang sasakyan ay papa-liko sa kanan papasok sa parking lot ng isang clinic nang masagasaan nito ang mga bata.

Ang 47 taong gulang na lalaki sa isang tindahan ng damit ay nag-sabi sa Mainichi Shimbun, “Naka-rinig ako ng malakas na tunog tapos narinig ko na ang pag-iyak ng mga bata. Nakita ko rin ang isang tao na mukhang guro na sinisigaw ang pangalan ng bata. Mayroon pang isang tao roon na mukhang nasa 60 anyos at parang natulala. ”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund