Isang malaking drawing sa buhangin ang nakita sa Tottori Sand Dunes

Tulad ng vandalism, ipinag-babawal rin ang pag-drawing ng kahit na ano sa buhangin sa Tottori Sand Dunes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang malaking drawing sa buhangin ang nakita sa Tottori Sand Dunes nuong Lunes. (Twitter)

TOTTORI (TR) – isang malaking sulat at drwaing ang nakitang naka-sulat sa buhangin sa papular na Tottori Sand Dunes sa lungsod ng Tottori nuong Lunes, ayon sa local administrative office mula sa ulat ng TV Asahi (June 18,)

Bandang alas-7:30 ng gabi, isang pangalan ng babae at ang salitang “LOVE” at isang drawing ng Mickey Mouse ang madiskubreng naka-sulat sa buhangin, ani ng tanggapan at may mga yapak din paa ng hindi naka sapatos ang nakita sa lugar malapit  rito.

Nakasaad sa lokal na regulasyon, ang mga letra, imahe o simbulo na lagpas sa 10 square meters ay mahigpit na ipinag-babawal. Ang mga mahuhuling lumabag rito ay magumulta ng 50, 000 na yen o mahigit pa.

Ayon sa mga ulat ng media nitong nakaraan, ang mga drawing na natagpuan nuong Enero ay pina-niniwalaan na gawa ng mga dayuhan. May mga similar na markang natapuan rito nuong Abril.

Upang mabalaan ang mga turista na darating sa lugar, nag-paskil ang tanggapan ng mga signboard na naka-saad na bawal mag-sulat at gumuhit ng larawan sa buhangin sa ilang points ng entry.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund