Share
TOKYO — isang mahinang lindol ang tumama sa Eastern Japan kaninang alas-8:00 ng umaga nitong ika-17 ng Hunyo, ayon sa Meteorological Agency ng Japan.
Ang magnitude 5.2 na lindol na tumama sa northern Ibaraki Prefecture, na tumama mula sa lalim na 80 kilometro,na nag-rehistro ng 4 mula sa 7 point ng Japanese Seismic Intensity Scale sa Prepektura ng Fukushima, Ibaraki at Tochigi, ayon sa ahensya.
Sinabi ng ahensya, ang lindol ay hindi naman nag-badya ng Tsunami. Wala pa namang nai-ulat na major damage na sanhi ng lindol.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation