Nagsasa-gawa ng imbestigasyon sa kasalukuyan ang Nagano Prefectural Police matapos matagpuan sa isang bahay ang bagkay ng isang sanggol sa Saku City nuong Linggo, ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun.
Bandang alas-6:40 ng umaga, isang participant para sa pag-lilinis ang tumawag sa police upang mapag bigay alam ang natagpuang bangkay ng lalaking sanggol na naka-balot sa papel at plastic bag sa paligid ng isang apartment sa Nakagomi Area.
Ayon sa Saku Police Station, ang sanggol ay may haba na 55 sentimetro at may bigat na 3 kilo. Pinaniniwalaang ilang araw ng patay ang sanggol bago pa ito matagpuan.
Ang pinaglagyan ng katawan ng sanggol ay garbage bag ng lungsod. Ang bangkay ng bata ay natagpuan sa isang bakuran malapit sa daanan. Nakita na ang plastic na iyon sa nasabing bakuran ilang araw bago ito ma-diskubre, ani ng mga pulis.
“Akala ko basura,” sabi ng taong tumawag sa pulis. “Matapos ko itong makuha, nakita ko ang pigura ng isang kamay.”
Plano ng mga pulis na magsa-gawa ng isang awtopsiya sa bangkay upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagka-matay ng sanggol. Ang kaso ay itinuturing na pag-iwan sa bangkay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation