Isang Japanese national ang namatay matapos mahulog sa isang gusali sa Korea

Isang lalaking hapones, pinaniniwalaang tumalon sa isang gusali sa Korea upang kitilin ang sariling buhay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang Japanese national ang namatay matapos mahulog sa isang gusali sa Korea
Isang hapones ang namatay matapos mahulog sa isang gusali na malapit sa Busan Station nuong Sabado.

KOREA (TR) – isang matandang hapones ang namatay nuong Linggo matapos tumalon sa gusali sa istasyon ng Busan, isang malaking istasyon sa southern part ng nasyon. Ang nasabing insidente ay itinatratong kaso ng pagpapa-tiwakal, ayon sa mga pulis.

Ayon sa mga pulis, ang lalaki ay nasa 77 taong gulang ay nahulog sa 15 metro kataas ng ikatlong palapag na gusali sa istasyon ng Busan nuong Sabado ng gabi. Ang lalaki ay kinumpirmang binawian ng buhay sa pagamutan kinabukasan, mula sa ulat ng Kyodo News (June 24).

Base sa nakuhang footage ng security camera, suspetsa ng pulis na ang matandang lalaki ay intensyonal na tumalon upang kitilin ang sariling buhay.

Ang matandang lalaki ay palaging bumabyahe mula Japan at Korea habang tinatrabaho ang isang developing business. Ngunit, hindi siya pinayagang maka-labas ng Korea dahil sa mga hindi nabayarang mga buwis na may katumbas na halagang mahigit 470 milyon yen.

Ang matanda ay mayroon rin hindi pa nalalamang karamdaman, ani ng mga pulis.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund