NIIGATA, Japan (Kyodo) — Isang 31 anyos na ginang mula sa Niigata Prefecture ang inaresto nuong Miyerkules sa suspetsang pag-patay sa kanyang 3 buwang gulang na sanggol sa pamamagitan ng pag-hulog nito sa sahig, ayon sa mga awtoridad.
Si Noriko Ito na isang opisyal sa lungsod ng Nagaoka at naka-talaga sa pag-unsad ng gender equality, ay umamin sa alegasyon ng mga pulis laban sa kanya tungkol sa anak niyang si Hikari, matapos makumpirma ng ospital na ito ay walang buhay dahil sa brain contusion.
Ayon sa mga nag-imbestiga sa kaso, sinabi ng mga kakilala ng suspek na ito ay distressed sa pag-aalaga ng bata. Si Ito ay kasal sa isa ring opisyal ng lungsod ng Nagaoka at ito ay may isa pang anak na lalaki at siya ay naka-childcare leave mula pa nuong Abril, ayon sa lungsod.
Siya ay mag-isang nasa bahay kasama ang sanggol nuong nangyari ang insidente. Nalaman lamang ang kasong ito matapos tumawag ng ambulansya ang lola ng bata nang matagpuang duguan sa sahig ang sanggol nuong siya ay bumisita sa tahanan ng suspek nuong Miyerkules.
Ayon sa mga pulis at medical staff, sinamahan ni Ito ang kanyang sanggol sa ospital at mukha ito nagpa-panic at tuliro.
Ang mga pulis na imbestiga sa tahanan ng suspek nuong Huwebes ay nag-sabi na ang sanggol ay walang bahid ng anumang sugat sa katawan upang mapag-suspetsahan na ang sanggol ay minamaltrato ng ina.
Source: The Mainichi
Join the Conversation