Isang grupo na nangangampanya na baguhin ang kultura ng women’s footwear sa mga trabaho sa Japan na naging sanhi upang ito ay madala sa Labor Ministry.
Maraming kababaihan ang nagtatrabaho na nakasuot ng pumps o high heels, na sa ding kadalasang suot habang naghahanap pa lamang ng trabaho.
Isang grupo na may 8 na miyembro ay bumisita sa Health, Labor and Welfare Ministry noong Lunes. Nagpasa sila ng petisyon na naglalaman ng 18,800 na pirma sa Equal Employment Opportunity Division.
Ang aktres and writer na si Yuni Ishikawa ay naglabas ng kampanya online. Sinsabi nya na nagumpisa na tanungin ang kultura hinggil sa mga sapatos na suot ng mga kababaihan habang nagtatrabaho ng part time.
Mula noon isinapubliko na nya ang kanyang mga pananaw sa social media.
Sinabi ni Ishikawa, maraming kababaihan na sumusuporta sa kampanya ang patuloy na nagsusuot ng high heels kahit na hindi sila kmportable. Sabi naman ng iba na ang social norms daw isang dahilang ng pananakit.
Pinangalanan ng #KuToo, pagkatapos ng #MeToo movement laban sa sexual harassment at intensyon nito na ipahiwatig sa salita ng hapon para “shoes at “pain”.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation