Isang ginang sa Shizuoka Prefecture ang inaresto matapos masuspetsahan na itinapon ang sariling sanggol sa basurahan sa isang palikuran

Isang bagong silang na batang babae ang natagpuan sa loob ng basurahan ng palikuran ng mga babae sa loob ng isang business hotel.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
The Mainichi

SHIZUOKA — isang ginang ang inaresto nitong ika-16 ng Hunyo dahil sa suspetsang pag-iwan sa kanyang bagong silang na sanggol na babae sa isang basurahan sa loob ng isang business hotel sa lungsod ng Kakegawa, Shizuoka Prefecture, Central Japan.

Ang 23 anyos na suspek na si Miki Ozawa, residente ng prefectural city ng Fujieda at empleyado ng hotel, ay kinasuhan ng attempted murder ayon sa Kakegawa Police Station ng Shizuoka Prefectural Police. Hindi sinabi ng mga imbeatigador kung umin sa mga alegasyon laban sa kanya si Ozawa. Idinagdag pa nito na hindi kasal ang suspek.

Ang bagong silang na sanggol ay natagpuang umiiyak ng isa pang empleyado ng hotel sa loob ng palikuran ng mga babae sa ikatlong palapag na ginagamit lamang ng mga empleyado bandang alas-9:30 ng umaga nuong June 10. Ang placenta at umbilical cord ay naka kabit pa sa sanggol. Ang bata ay agad dinala sa hospital at ngayon ay nasa mabuting kalagayan at walang natamong pinsala.

Kalaunan ang bata ay inilipat sa isang child consultation center at kinuha ang kostudiya ng isang pasilidad sa loob ng prepektura.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund