Ang Osaka Prefectural Police ay nag-issue ng warning o babala sa 20 anyos na lalaking Briton na nag-tangkang sumakay sa JR Freight train mula Osaka hanggang Prepektura ng Fukuoka, ayon sa ulat ng Yomiuri Shimbun.
Bandang hapin ng ika-1 ng Hunyo, may tumawag na pasahero ng JR Nishikujo Station, sa Komohana Ward sa istasyon ng tren upang ipag-bigay alam na may lalaki sa freight car.
Ipina-tigil ang train bandang Aikawaguchi Station, may mga 2 kilometro ito kalayo. Umakyat ang mga tauhan ng train at natagpuan ang lalaki na naka-higa sa labas sa ibabaw ng isa sa mga karwahe ay naka talukbong ng blue na jacket.
“Plano ko na pumunta sa Fukuoka dahil sa isang boluntaryong trabaho,” ani nito sa Konohana Police Station. Ang lalaki ay pinaniniwalaang turista ay nag-hitchedhiked mula Kanto Area hanggang Osaka.
Ayon sa West Japan Railway, ang freight train ay umalis mula sa freight terminal sa Suita, Osaka Prefecture. Pinaniniwalaang sumakay ang lalaki habang pansamantalang naka-tigil ang tren dahil sa signal malapit sa Osaka Station.
Ang insidente ay nag-sanhi ng pagka-delay ng mahigit 20 minutos sa Sakurajima at Osaka Loop Lines, ani ng JR West.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation