TOCHIGI- inaresto ng mga pulis sa Utsunomiya, Tochigi Prefecture nuong Lunes ang isang 52 anyos na lalaki sa suspetsang pananakit nito aa kaniyang 10 taong gulang na anak-anakan matapos nitong batuhin ng isang bagay na gawa sa kahoy ang bata na nag-sanhi sa pag-tamo nito ng pinsala sa kaniyang mata.
Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap sa tahanan ng pamilya bandang ala-6:20 ng hapon nuong Linggo, mula sa ulat ng Sankei Shinbun. Ang suspek na si Yoshihiko Inoyama at ang kanyang 15 anyos na anak at ang kanyang anak-anakang babae ay kumakain ng hapunan habang nanunuod ng TV nang magalit si Inoyama sa batang babae, habang sinasabi ng suspek na hindi niya gusto ang pag uugali nito, kwento ng binata.
Nang bigla na lang itong pumulot ng bagay na gawa mula sa kahoy at biglang inihampas sa babae na siya namang tumama sa mukha nito. Sinabi ng mga pulis natamaan ang itaas na bahagi ng kaliwang mata ng bata.
Tumawag sa 110 ang binata at nag-sabi na nagwawala at kumikilos ng bayolente ang kanyang ama.
Sinabi rin ng mga police na umamin na ang suspek sa mga paratang laban sa kanya.
Mula sa nakalap na balita galing sa kapit-bahay, madalas daw nilang marinig ang boses ng isang lalaking sumisigaw at ng isang babae na umiyak.
Source: Japan Today
Join the Conversation