Inaresto ang 69-anyos na lalaki dahil sa pagpatay sa 86-taong-gulang na asawa na may demensya

Isang ginang pinatay ng kanyang asawa dahil sa sakit na dementia

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
The Mainichi

KANAGAWA
Inaresto ng  pulis ng Ebina Kanagawa Prefecture noong Martes ang 69-anyos na lalaki sa suspetsa ng pagpatay sa kanyang 86-taong-gulang na asawa na mayroong sakit na dementia.

Ayon sa pulisya, inamin ni Toshio Uzue na pinatay niya ang kanyang asawa na si Sachio mga 4:30 p.m. noong Mayo 30 sa pamamagitan ng pag-ssaksak sa leeg at pagkatapos ay hinampas ang ulo ng  frypan, ulat ni Sankei Shimbun. Pagkatapos ng pagpatay sa kanyang asawa, si Uzue ay sinaktan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang leeg nang maraming beses.

Natagpuan ng tagapag-alaga ni Sachie ang mag-asawa nang dumating siya sat tumawag sa 119.

Naghintay ang pulisya hanggang sa makabawi ng lakas muli si Uzue bago siya inaresto noong Lunes. Sinabi ni Uzue na nakadama siya ng pagkabalisa ng makita ang kanyang asawa na naghihirap sa dementia at gusto niyang mamatay kasama niya.

Bukod sa sakit na  dementia, mayroon ding kapansanan si Sachie sa binti na nakakapagpahirap dito sa paglalakad.

Source: Japan Today

Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund