Ang mga organizers sa Tokyo Olympics para sa susunod na taon ay naglabas na ng resulta ngticket lottery.
Ang game’s organizing committee ay pinahayag ngayong Huwebes ang ticketing website kung saan maaaring ma-access ng mga nakarehistrong personal ID.
Ang mga pumasok sa lottery ay maaaring makita kung gaano karaming tiket ang kanilang napanalunan para sa event at kung magkano ang kailangan nilang bayaran. Ang mga nanalo ay maabisuhan din sa pamamagitan ng e-mail.
Ang mga pagbili ay dapat gawin ng 11:59 p.m. Hulyo 2, oras ng Japan. Ang lahat ng mga winning applications ay magiging invalidated matapos ang deadline na ito.
7.8 milyong tiket ang nailabas. Hindi inihayag ng organizing committee kung gaano karaming mga tiket ang ibinebenta at kung ilan ang hiniling, ngunit ang registered ID na bumili ay higit sa 7.5 na milyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation