Share
Isang giant panda mula sa Wakayama Zoo ang binigyan ng isang regalo para sa Araw ng mga Ama nitong Linggo.
Si Eimei ay inalagaan at lumaki sa Adventure World sa lungsod ng Shirahama. Siya ay may 15 anak.
Ang mga regalong ibinigay sa kanya ay hugis rosas na carrots at ang kanyang paborito, ang bamboo. Binigyan rin si Eimei ng snow statues ng kanyang apat na anak. Kinain nito ang bamboo at hinawakan ang mga istatwa.
Ang giant panda ay 26 anyos na. Ito ay equivalent ng 70 anyos sa tao. Si Eimei at ang kanyang partner na si Rauhin ay nagka-baby panda nuong Agosto, ang pangalan nito ay si Saihin.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation