Ang mga opisyal ng Japan Immigration ay nais palawakin ang pag-gamit ng machine facial recognition system sa mga paliparan– ngayon ito naman ay para sa mga dayuhang papa-alis ng bansa.
Mula ng ito ay ipakilala nuong taong 2017, ang nasabing sistema ay ginagamit sa mga gates para sa mga hapong byahero na papasok at lalabas ng bansa sa Haneda Airport saTokyo, Narita Airport malapit sa Tokyo at iba pang pasilidad.
Kinukumpirma ng system ang litrato sa pasaporte ng byahero at ang litratong kinuha on the spot.
Habang dumadami ang bilang ng mga dayuhang bumibisita sa bansa, balak ng mga awtoridad na ipakilala ang automated gates para sa mga dayuhang papa-labas ng bansa na mag-sisimula sa huling termino ng buwan ng Hulyo.
Inaasahan ng mga opisyal ng immigration ang kakayahan at kahusayan ng sistema upang makapag-focus ang ibang staff sa mga papasok na byahero nakaugnay sa nalalapit na Olympic and Paralympic Games sa Tokyo sa taong 2020.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation