Emperor at Empress, binisita ang Aichi Prefecture

Si Emperor Naruhito at si Empress Masako ay bumibisita sa Aichi Prefecture sa Central Japan upang dumalo sa isang taunang seremonya ng tree-planting. Ito ang kanilang unang panrehiyong paglilibot mula noong ang Emperador ay umakyat sa trono noong Mayo 1.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEmperor at Empress, binisita ang Aichi Prefecture

Si Emperor Naruhito at si Empress Masako ay bumibisita sa Aichi Prefecture sa Central Japan upang dumalo sa isang taunang seremonya ng tree-planting. Ito ang kanilang unang panrehiyong paglilibot mula noong ang Emperador ay umakyat sa trono noong Mayo 1.

Sumakay ang mag-asawang Imperial sa train ng Shinkansen at dumating sa Nagoya Station bago magtanghali ng Sabado. Sila ay nakangiting kumaway sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang Emperor at Empress ay nagpunta sa lungsod ng Ama upang bisitahin ang isang pasilidad na nagpapakita ng enamelware na localy made. Kinikilala ng pamahalaan ng Japan ang Owari Shippo bilang isang traditional craft.

Ang mag-asawang Imperial ay kumaway sa mga tao sa pamamagitan ng mga bukas na bintana habang pinabagal ang kanilang sasakyan.

Nanood ang mag-asawa ng mga exhibit, kabilang ang isang 1.5 metro na taas na vase disenyo ng mga ibon at mga bulaklak. Ito ay na-export sa France sa paligid ng 1900 at binili pabalik sa Japan ng mahigit 30 taon na ang nakakaraan. Ang pinuno ng pasilidad ay nagbibigay ng mga paliwanag sa tour ng mag-asawa.

Pagkatapos ay pinanood ng Emperor at Empress ang mga estudyante sa elementarya na gumawa ng Owari Shippo. Ang mahigit sa 20 na mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay gumawa ng fashion key holders bilang bahagi ng kanilang project sa paaralan. Ang mag-asawa ay lumapit sa mga bata at nakipag-usap sa kanila.

Sinabi ng Emperor na nananabik na makita ang mga natapos na produkto. Sinabi ng Empress na ang mga key holders ay magaganda.

Sa Linggo, ang mag-asawa ay dumalo sa isang pambansang tree planting ceremony na ginanap sa lungsod ng Owariasahi.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund