Data glitch ang maaaring naging sanhi ng aksidente sa tren

14 sugatan sa aksidente ng isang automated train

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspData glitch ang maaaring naging sanhi ng aksidente sa tren

Sinabi ng operator na maaaaring isang pagkakamali and naihatid na data na lumipat sa maling direksyon ang tren na nangyari sa Yokohama malapit sa Tokyo.

Noong Sabado ng gabi, isang driverless na tren ang umandar na paatras at bumagsak sa isang buffer sa Shin-Sugita, ang terminal station sa Seaside Line.  14 na pasahero ang nasugatan.

.Sinabi ni Yokohama Seaside Line President Akihiko Mikami sa mga reporters noong Linggo na ang kumpanya ay hindi pa alam ang sanhi ng aksidente.

Sinabi ni Mikami na ang isang aparato na tinatawag na ATO sa istasyon ay tumanggap ng mga senyas na nagpakita ng direksyon ng tren ay inilipat nang maayos. Ang mga tren ay parehong may mga aparato na ATO.

Ang operator ay nagpapahiwatig na ang isang glitch sa sistema na nagpapadala ng mga signal sa pagitan ng mga aparato ay maaaring naging dahilan, dahil hindi nito mahanap ang anumang mga problema sa tren.

Ang automatic na tren na Seaside Line ay sinuspinde and serbisyo.  Sinabi din ng operator na pa nito alam kung kailan magbabalik at magpapatuloy ang serbisyo.

Ang Transport Safety Board ng Transport Ministry ay nagpadala ng mga inbestigator sa Yokohama upang  pag aralan ang naging aksidente.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund