Ang pagbabawas sa plastik na basura ay nasa agenda ngayong linggo sa G20 summit sa Osaka. Sinimulan ng ilang bansa ang pagbabawal ng mga single-use plastic shopping bag. Ang Japan ay gumagalaw din sa direksyon na ito.
Simula sa susunod na Abril, plano ng Ministry Industry na sabihin sa mga retailer na ihinto ang pagbibigay ng mga plastic bag nang libre.
Ang pangunahing convenience store chain na Ministop ay nagsimula ng maningil para sa mga bag bilang trial. Dalawang tindahan malapit sa Tokyo ngayon ay may bayad ng 3 sentimo kada bag.
Plano ng ministop na mapalawak ang trial hanggang mga 40 na tindahan sa Pebrero.
Sinabi ng isang kostumer na “magkakaroon ng karagdagang gastos para sa mga taong gumagamit ng plastic bag araw-araw”.
Ang isa pang kostumer ay nagsabi naman na “ang eco-bags ay maaaring maging mas popular”.
Humigit-kumulang 9.4 milyong tonelada ng plastic waste ang itinatapon bawat taon sa Japan. Ang mga plastic shopping bag ay may kabuuang bilang na 200,000 tonelada.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation