Brazilian President nag mungkahi sa pag-unlad ng Amazon

Brazil President gustong magkaroon ng joint development deal sa Japan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBrazilian President nag mungkahi sa pag-unlad ng Amazon

Ang presidente ng Brazil ay nakatakdang ipanukala ang isang joint development deal sa pag-unlad ng rehiyong Amazon sa Japan kapag nakipagkita siya sa Prime Minister ng Japan.

Inilathala ni Jair Bolsonaro ang kanyang mga saloobin sa social media noong Martes bago siya umalis para sa G20 summit sa Osaka, Japan. Magsisimula ito sa Biyernes.

Sa post, sinabi ni Bolsonaro na makikipagkita siya sa Prime Minsiter ng Japan na si Shinzo Abe. Sinabi niya na nais niyang talakayin ang paggalugad ng biodiversity sa Amazon.

Si Bolsonaro ay patuloy sa plano ng pag-unlad ng rehiyon.

Ang rainforest sa South America ay ang pinakamalaki sa mundo, na may laki na 5.5 milyong square kilometers. Ito ay may malaking halaga sa pagpapagaan ng global warming, na inaasahang magiging paksa sa pulong ng G20.

Ang mga kritiko sa loob at labas ng Brasil ay nagsasabi na ang mga plano ni Bolsonaro ay hahantong sa pagkasira ng kapaligiran.

Hindi napigilan ng kritiko ang pinuno. Siya ay nagpanukala din ng isang katulad na  development deal sa US President Donald Trump.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund