Dumami ang bilang ng mga dayuhang bisita sa Japan noong Mayo at nagtala ng pinakamataas na bilang. Ang mga tourism officials ay nagpapahiwatig ng pagtaas ng mas maraming manlalakbay mula sa mainland China dahil sa pinadali na pagkuha ng visa.
Ayon sa National Tourism Organization ng Japan, mahigit sa 2.77 milyong manlalakbay ang dumating sa bansa noong nakaraang buwan. Iyon ay 3.7 porsiyentong mas mataas kaysa noong isang taon.
Ang bilang ng mga bisita mula sa Mainland China, na kung saan ang pinakamalaking bilang, ay nadagdagan ng 13.1 porsiyento sa 756,400.
Noong Enero, ang pamahalaan ng Japan ay pinadali ang mga kailangang dokumento sa pagkuha ng visa para sa mga mag-aaral sa unibersidad at mga taong bumisita sa bansa nang maraming beses mula sa mainland China.
Samantala, ang bilang ng mga bisita mula sa South Korea ay bumaba ng 5.8 percent, habang ang mga mula sa Taiwan ay bumaba ng 3.1 percent.
Sinabi ng mga opisyal na ang mataas na airfares at accommodation fees ay maaaring naging dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga turista. Ang mga presyo ay nagtaas dahil maraming mga Hapon ang nagbakasyon sa 10-araw na holiday mula Abril 27 hanggang Mayo 6.
Japan Tourism Agency head na si Hiroshi Tabata, ay nagsabi na malaking pagsisikap ang dapat gawin upang makamit ang target ng pamahalaan ng 40 milyong dayuhang bisita sa 2020.
Ang Rugby World Cup Japan, na magsisimula sa Setyembre, ay maaaring makahatak ng mga first time visiors sa Japan. Sinabi niya na gagawin ang lahat ng ahensiya na maramdama ngmga dayuhan ang muling makabalik sa bansa sa pamamagitan ng pag -gawa ang pakiramdam nila na makabalik sa bansa sa pamamagitan ng promosyong kaakit- akit sa mga dayuhan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation