Bilang ng mga bagong silang na sanggol sa Japan umabot ng pinaka-mababa sa taong 2018

Ang bilang ng mga bagong silang na sanggol sa Japan ay umabot sa isang record-low na 918,397 sa 2018, na nananatiling nasa ibaba ng 1 milion na marka para sa ikatlong taon na magkakasunod, batay sa isang survey ng gobyerno na inilabas noong Biyernes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: photostock

TOKYO

Ang bilang ng mga bagong silang na sanggol sa Japan ay umabot sa isang record-low na 918,397 sa 2018, na nananatiling nasa ibaba ng 1 milion na marka para sa ikatlong taon na magkakasunod, batay sa isang survey ng gobyerno na inilabas noong Biyernes.

Ang mabilis na pag-tanda ng bansa ay nagtala ng pinakamalaking margin ng pagbaba sa populasyon nito sa 444,085 sa maihahambing na data na naging available noong 1899, na may bilang ng mga nanganak na bumabagsak na 27,668 mula sa nakaraang taon at ang bilang ng mga namatay na tumaas sa 22,085 hanggang 1,362,482, ayon sa ministeryo ng kalusugan.

Ang kabuuang fertility rate ng bansa – ang average na bilang ng bata na isisislang isang babae sa kanyang lifetime ay nasa 0.01 percent lamang mula sa nakaraang taon na nasa 1.42, na nagtulak sa pamahalaan ng Punong Ministro na si Shinzo Abe upang makamit ang layunin ng pagtaas ng rate sa 1.8 by March 2026.

Ang kabuuang fertility rate ay umaabot sa 1.4 simula noong 2012 matapos ay bumaba uti ng hanggang 1.26 noong 2005. Ang rate ay bumaba ng 2.00 noong 1975, na isang malaking pagbaba mula 4.54 noong 1947.

Ang average na edad para sa mga kababaihang Hapon na manganak ng kanilang unang anak ay nasa 30.7 sa apat na magkakasunod na taon, at ang bilang ng mga sanggol na ipinanganak ng babaeng nasa pagitan ng 30 at 34 years old ay bumaba sa ng higit sa 10,000.

Ang Okinawa ang tanging prefecture kung saan ang birth tate ay mas mataas keysa sa death rate. Kabilang sa 47 prefecture ng Japan, ito ay may pinakamataas na birth rate ng 1.89, na sinusundan ng Shimane’s 1.74 at Miyazaki na 1.72. Ang pinakamababa ay ang Tokyo na may 1.20.

“Magpapatupad kami ng mga patakaran na tutulong sa mga ina na nais manganak at mag-alaga ng mga bata,” sabi ng isang opisyal sa Ministry of Health, Labor and Welfare.

Ayon sa isang kamakailan-lamang na survey ng isang grupong Hapon na tumutulong sa pagpapalaki ng bata, 73.5 porsiyento ng halos 3,000 respondents ang nagsabi na sa palagay nila ay mahirap para sa kanila na magkaroon ng pangalawang anak.

Sa online na survey, na isinagawa sa huli ng Mayo sa pamamagitan ng 1Man Baby Oendan, 82 porsiyento sa kanila ang nagsabi ang mahirap sa pagkakaroon ng pangalawang anak ang pang-ekonomiyang problema.

Ipinakita din sa survey na ang cancer ay patuloy na naging pinakamataas na sanhi ng kamatayan, na nasa 27.4 porsyento ng kabuuang, na sinusundan ng sakit sa puso sa 15.3 porsiyento at mga natural na sanhi sa 8.0 porsiyento, habang 20,032 katao ang namamatay sa suicide.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund