Ayon sa ulat dapat himukin ang mga working moms na magkaroon ng mas maraming pagsasanay

Hinihikayat ng gobyerno ang makabagong pananaw ukol sa tradisyunal na gawain ng bawat kasarian.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAyon sa ulat dapat himukin ang mga working moms na magkaroon ng mas maraming pagsasanay

Ayon sa ulat ng gobyerno ng Japan, inirerekomenda nito ang pagkakapantay-pantay ng kasarian na nakatuon sa mga babae na may  anak na bata ay dapat bigyan ng karagdagang mga pagkakataon para sa pagsasanay upang tulungan silang muling pumasok sa trabaho.

Ang taunang ulat ay naaprubahan sa isang pulong ng Gabinete noong Biyernes.

Tinatalakay nito ang paksa ng patuloy na edukasyon. Sinasabi nito na ang pagsasanay sa tauhan ay kadalasang ibinibigay sa mga regular na empleyado. Sinasabi nito na ang mga peronnel training ay binabahagi lamang sa mga regular na empleyado at ang mga kababaihan ay may limitadong ang oprtunidad dahil karamihan sa kanila ay hindi full time ang estado sa mga kumpanyang kanilang pinapasukan.

Iniulat din na ang mga kababaihan ay may disadvantage dahil pinipili ang mga empleyado  para sa junior management  position sa edad na kung kailan ang karamihan sa mga kababaihan  na nagtatrabaho ay nanganganak at nag aalaga ng kanilang mga malilit na batang anak.

Ang Gabinete ay gumawa ng isang survey na kung saan ang mga katanungan ay masasagot ng ng mga may karanasan sa trabaho upang ihayag ang kanilang mga pananw kung paano makakatulong ang isang pagsasanay sa mga taon na muling makapasok sa isang workforce.

Halos kalahati ng mga babaeng sumagot na may anak sa pre-school ay nagsabi na nais nilang mabawasan ang kanilang mga gawaing bahay. Ang bilang ay tumaas ng tatlong beses ng ang mga kalalakihan ay nagbigay din ng parehong kasagutan.

Ang ulat ay humiling ng isang pag-aayos ng mga  gender-based na mga gawain na naka sentro sa mga kalalakihan na naging kasanayan na sa Japan.

Sinasabi din nito na ang paulit-ulit na edukasyon ay dapat na gawing higit na madali para sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pag-sasaayos ng mga maigsing kurso at pagbibigay ng mga tulong.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund