TOKYO
Kung plano mong manatili ng mahabang panahon sa Japan, sadly, dadating sa punto na may pagkakataon na dapat mong sabihin ang iyong mga huling paalam sa isang mahal sa buhay sa ibang bansa. Importanteng malaman kung paano at kung kailan maaari kang kumuha ng bereavement leave na maaaring hindi kasama sa iyong annual leave sa Japan.
Kapag magiging factor ang pagkakaiba sa oras, distansya, pang-araw-araw na pamumuhay sa isang banyagang bansa at ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay, ito ay isang napakalaking negatibong impact sa pisikal at mental na kalagayan ng tao. Sa mga oras na tulad nito, tiyak mahihirapan kang mag-isip kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat mong gawin. Kung ang mga magulang ay matatanda na o may mga miyembro ng pamilya na may sakit, mas mabuting alamin na ngayon kung ano ang mga options ninyo sa pagkuha ng leave keysa sa kapag dumating na ang hindi inaasahang pangyayari.
Ang mga karapatan ng pagkuha ng leave sa Japan
Ayon sa labor laws ng Japan, ang mga employers ay kailangang mag-provide ng kibiki kyuka (忌引休暇) o “condolence leave” para sa mga full-time employees. Kapag hindi kayo nagta-trabaho ng full time, katulad ng kung kayo ay short-term contract, nagta-trabaho ng part-time, isang dispatch o haken, o ang ibig sabihin ay hindi kayo isang seishain (正社員, full time employee), technically ang kumpanya ninyo ay hindi obligadong magbigay sainyo ng kahit anong leave.
Ngunit kung ikaw ay isang full-time na empleyado ng isang kumpanya na nakabase sa Japan, bibigyan ka ng isang tiyak na bilang ng mga araw para sa inyong bereavement leave at ang bilang ng araw ng leave ay depende sa relasyon ng namatay na pamilya.
Kung ang namatay ay asawa, anak, o magulang, kadalasang ipinagkakaloob ang hanggang limang araw na leave. Para sa lolo o lola, kapatid, o apo, tatlong araw. At para sa iba pang kamag-anak na third-degree (halimbawa, isang tiyahin, tiyuhin, pinsan, atbp), maaaring magkaroon ka ng hanggang dalawang araw. Kapag naman ang namatay ay hindi blood related (tulad ng isang family friend o kahit alagang hayop), ang iyong kumpanya ay hindi obligadong magbigay ng anumang leave. Sa kasong ito, maaari mong gamitin ang iyong paid o unpaid leave upang makapag absent ng isa o dalawang araw.
Ano ang dapat gawin kapag ang leave ay hindi sapat
I-Click dito para malaman. (English)
Source: Savvy Tokyo
Join the Conversation