Isang sesyon ng pagsasanay ang ginanap para sa mga volunteer guides na nagsasalita ng Ingles bago ang pagpupulong ng Grupo ng 20 na mga ministro sa isang resort town sa Nagano Prefecture, gitnang Japan.
Ang Karuizawa ang host ng sa pagpupulong ng G2 energy and environment ministers sa susunod na Sabado at Linggo.
Labindalawang mga volunteer guides, kasama ang mga lokal na residente, ang sumali sa sesyon noong Linggo. Ang mga kalahok ay pinakilala ang mga tanyag na tourist sites. Habang ang isang tao ang may hawak na mapa and guide book ang umaakto bilang dayuhang bisita.
Sinabi ng isang estudyante na nag-aaral sa isang mataas na paaralan na masaya siya na makapagtrabaho bilang isang volunteer sa isang pangunahing kumperensya sa kanyang bayang kinalakhan, at ipapakita ang masayang pagtanggap sa mga dayuhan na dadalo.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation