TOKYO
Ah, Hunyo sa Japan. Ang mainit-init na panahon, maagang sunrise, at mga biglaang pag-ulan na nakaka-inis dahil hindi ka nakapag dala ng payong kaya kailangan mong bumili o di kaya mabasa sa ulan.
Siyempre, sa ultra-handa na Japan, maraming mga tao na palaging may mga dalang foldable payong at rubber boots in case na umulan. Ngunit madami pa din talagang tao na hindi handa.
Kaya naman ang Tokyo ay may bagong service na umbrela sharing. Isa itong rent-an-umbrella. Maaari mo itong rentahan at gamitin ang GPS ng iyong smartphone upang malaman ang mga lokasyo kung saan maaari itong isauli.
Ang serbisyo na ito ay tinatawag na “iKasa” sa halagang 70 yen ay maaari mo itong ma-renta. Ang mga pick up at drop off ng mga payong ay na mga estasyon ng Tokyo. At sa mga estasyon din ng Fukuoka.
Kailangan mo lang i download ang app na iKasa sa Line messaging App at i connect ang paypal account para sa pagbayad. At iscan ang QR code na nasa payong para ma register ang inyong order na payong.
Join the Conversation