71 anyos na lalaki, inakusahang nanakot at nag-banta sa mga magulang ng mga bata dahil sa “ingay”

Sumulat ng pag-babanta ang isang 71 anyos na lalaki sa mga magulang ng mga bata dahil sa ingay ng mga ito sa umaga.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Yutaka Arai (Twitter)

TOKYO (TR) – Arestado ng Tokyo Metropolitan Police ang isanh 71 anyos na lalaki na suspek sa pag-papadala ng banta sa mga magulang ng mga kindergartners dahil sa ingay umano ng mga bata, ulat ng Sankei Shimbun (June 10).

Nuong June 5 at 6, si Yutaka Arai, residente ng Adachi Ward, ay nag-lagay umano ng sulat na nag-lalaman ng pag-babanta sa mailbox sa pamilya ng isang bata na gumagamit ng bus stop na malapit sa tahanan ng suspek.

“Huwag mag-ingay sa parking lot sa umaga. Manahimik kayo! Kung hindi ito posible, huwag kayong mag-reklamo kung ano ang maaring mangyari.” ito umano ang nilalaman ng isa sa mga sulat mula sa matanda, ayon sa Nishi Arai Police Station.

Sinabi ng mga pulis nuong kinikwestyon ang suspek, itinatanggi ni Arai na hindi naman pag-babanta ang nilalaman ng sulat.

Nuong umaga ng June 6, isa sa magulang ng bata ang naka-kita sa sulat sa loob ng kanilang mailbox pagka-galing nito sa bus stop. Kumunsulta agad sa pulis ang magulang nang sumunod na araw. Ilang mga magulang rin ang nag-report na naka-tanggap ng parehong sulat.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund