45 anyos na lalaki, inaakusahang gumagamit ng stun gun pet collar sa mga bata

Isang ama ang gumamit ng stun gun collar sa pag didisiplina ng kanyang mga anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Fukuoka Prefectural Police ang 45 anyos na lalaki sa Kitakyushu City na di umano ay gumagamit ng stun gun collar for pets sa kanyang mga anak, ulat mula sa Nikkei Shimbun.

Nitong late February, si Takahiro Goto, walang trababaho, ay inasulto umano ang kanyang 17 anyos na panganay na anak, ang ikalawang babaeng anak na 13 anyos at ang lalaking anak na 11 anyos, sa pamamagitan ng pagkabit ng collar sa mga braso at kamay nito. Ang collar ay idinisenyo upang daluyan ng kuryente ang parteng leeg ng aso upang tumigil ito sa pagkahol.

Ang 17 na batang lalaki ay nag-tamo ng paso na aabot ng 8 araw ang pag-hilom, sabi ng mga pulis.

Si Goto na kinasuhan ng assault at inflicting injuries ay umamin sa mga alegasyon sa kanya.”Ginagamit ko ang stun gun para sa pag-didisiplina sa bahay.” sinabi ng suspek sa mga pulis.

Isang lalaki sa Kitakyushu ang gumamit ng stun gun sa kanyang mga anak nuong Pebrero. (Twitter)

Ayon sa mga pulis, ang suspek ay nakatira kasama ang kanyang 3 anak at ang kanyang asawa sa Kokuraminami Ward nuong panahon ng insidente. Sa kasalukuyan, ang mga bata ay nakahiwalay na ang mga bata mula sa kanilang ama.

Ang usapin ay lumitaw matapos mag-kunsulta ang panganay na anak sa isang staff ng kanyang pinapasukang vocational school. Agad namang nakipag ugayan ang school staff sa child consultation center.

Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung regular na inaabuso ni Goto ang kanyang mga anak.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund