1 toneladang ilegal na droga nakuha sa Japan

Pinakamalaking shipment ng droga, nahuli ng mga awtoridad ng Hapon

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp1 toneladang ilegal na droga nakuha sa Japan

Nahuli ng mga awtoridad ng Hapon ang pinakamalaking shipment ng ilegal na stimulant drugs sa bansa mula sa isang kahina-hinalang barko sa dagat.

Sinabi ng mga opisyal ng pulisya na natagpuan nila ang halos 1,000 kilo ng droga noong Lunes ng gabi sa isang barko sa baybayin ng Shizuoka Prefecture, silangang sentro ng Japan.

Sinasabi ng mga awtoridad na ang mga bawal na gamot ay may tinatayang halaga sa kalsada na umaabot ng 555 milyong dolyar.

Inaresto nila ang pitong Tsino sa pinangyarihan para sa pagkakaroon ng mga bawal na gamot para ibenta at pagkakitaan. Iniisip ng mga awtoridad na ang mga suspek ay maaaring ma-link sa mga pandaigdigang drug smuggling group at Japanese crime syndicates.

Sinasabi ng mga imbestigator na ang mga droga ay malamang na ipinapadala mula sa Hong Kong papuntang Japan, kung saan ang presyo sa merkado ay mas mataas.

Sinabi ng pulisya ng Tokyo na ang mga suspek ay tinanggihan ang mga paratang.

Source and Image: PortalJapan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund