TOKYO (Kyodo) – Isa sa apat na taong may edad na 80 pataas sa Japan ayon sa poll ay nagmamaneho pa din ng sasakyan, napag-alaman sa isang survey ng gobyerno sa habits on transportation ng mga taong nasa edad na 60 pataas.
Ang porsyento ng mga matatanda na nagsabi na sila ay nagmamaneho pa din ay sa mga maliliit na probinsya o lugar kung saan malimit ang public transportation tulad ng mga government bus kaya’t importante na magmaneho ng sasakyan upang makapag-pamasyal at pumunta sa hospital para sa kanilang mga check-up.
Samantala, ang mga aksidente sa kalsada na sangkot ang mga matatanda ay patuloy sa pagtaas kasama sa pagbilis din ng aging society ng Japan.
Noong Abril, isang 87-taong-gulang na opisyal ng gobyerno ang nakabangga at nakapatay sa isang 3-taong-gulang na batang babae at ang kanyang ina at nasugatan ang anim na iba pang pedestrian sa distrito ng Ikebukuro sa central Tokyo.
Noong Mayo noong nakaraang taon, ang isang 90-taong-gulang na driver ay naaresto sa hinala na pagpapatakbo sa red light na nagsanhi ng pagbangga sa apat na pedestrian sa Chigasaki, timog-kanluran ng Tokyo, na isa sa kanila ang namatay.
“Ang pagmamaneho ay nagiging mas mahirap habang ang cognitive function ng mga tao ay humihina dahil sa pagtanda,” sabi ng isang opisyal ng Gabinete Office.
Ang survey ay isinasagawa mula Nobyembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon na nagta-target ng 3,000 na mga kalalakihan at kababaihan na may edad 60 pataas sa buong Japan, kung saan 1,870 ang tumugon.
Ang questionnaire ay isang multiple-choice na tanong tungkol sa kanilang mga mode ng transportasyon, 56.6 porsiyento ang nagsabi na nagmamaneho sila ng kanilang sasakyan, habang 56.4 porsiyento ang nagsabing nagko-commute sila.
Ayon sa rehiyon, 72.9 porsyento sa mga lungsod na may populasyon na mas mababa sa 100,000 at 75.5 porsyento sa mga bayan at nayon ang nagsasabing sila ay nagmamaneho, kumpara sa 50.0 porsiyento sa central Tokyo at iba pang mga pangunahing lungsod sa bansa.
Isang kabuuan ng 80.2 porsiyento ang nagsabi na hihinto sila sa pagmamaneho pagkatapos maabot ang isang tiyak na edad o kung nadama nila ang isang bagay na nakakasagabal sa kanilang kakayahang magmaneho, tulad ng vision impairement. Ngunit 11.5 porsiyento ang nagsabing patuloy silang magmaneho kahit ano man ang edad basta’t kaya pang magmaneho.
Ang mga resulta ng survey ay isasama sa 2019 Taunang Ulat ng gobyerno sa Aging Society upang ma-adopt sa buwang ito.
Source: Mainichi.jp
Join the Conversation