Ang Meteorological Agency ng Japan ay nagtaas ng level ng volcanic alert para sa Mount Hakone, na nasa isang hot spring resort town sa labas ng Tokyo.
Pinalakas ng ahensiya ang antas ng alerto nito sa level two on a scale of five noong Linggo ng umaga. Ito ay babala sa posibilidad na pagsabog at pagbagsak ng mga volcanic rock sa Owakudani valley.
Ito ang unang pagkakataon sa apat na taon na ang antas ng alerto para sa bulkan ay tinaas sa level 2.
Ang ahensya ay gumawa ng desisyon matapos ang bilang ng mga lindol ng bulkan sa Mount Hakone ay nadagdagan ng 45 noong nakaraang araw. Hanggang sa 9 ng umaga ng Linggo, may 21 na tremors ang naobserbahan.
Sinabi ng ahensiya na dumami ang mga maliliit na lindol sa ilang lugar malapit sa Mount Hakone mula noong kalagitnaan ng Marso.
Ang mga opisyal ng bayan ng Hakone ay nagpasya na pagbawalan amg mga gikers na umakyat sa malapit sa bunganga ng bulkan at mag-set up ng mga bakod upang harangan ang pag-access sa lugar.
Ang isang vendor malapit sa Owakudani ay nagsabi na nag-aalala siya dahil nagsisimula pa lamang ang mga customer na bumalik pagkatapos ng pagsabog apat na taon na ang nakararaan. Idinagdag niya na siya ay nananalangin para sa pagkalma ng bulkan.
Ang operator ng Hakone Ropeway ay nagsuspinde ng serbisyo at pansamantalang ginagamit ang bus service kapalit nito.
Source: NHK News
Join the Conversation