Isang pares ng mag-nanakaw ang nag-nakaw ng drum na gina-gamit sa papular na larong Taiko no Tatsujin (Taiko Master) mula sa isang Game Center sa Kitanagoya City habang oras ng negosyo nuong ika-29 ng Abril.
Sa isang kuha ng security camera na ibinigay ng TV Asahi, makikitang lumapit ang 2 mag-nanakaw sa nasabing laro na may 2 malaking Drum na naka-kabit sa estante. Makikita rin dito na ang isa ay lumapit at nag-laro habang ang isa ay nag-lusot naman ng mga bag upang ibigay sa ikalawa. Makaraan ng ilang minuto ang 2 ay lumabas bitbit ang mga drum na isinilid sa loob ng mga bag. Ang pag-nanakaw ay isinagawa sa loob lamang ng 17 minutos.
“Ang parte ng mga wire na naka-kabit sa main unit sa bandang likuran ay pinutol.” Pahayag ni Yudai Niwa, general manager ng Wizard, ang management company ng game center.
Ang insidente ay naganap bandang alas-4:00 ng hapon, kung saan napaka-raming tao sa loob ng nasabing palaruan.”Ang mga nag-nakaw ay hindi baguhan sa nasabing gawain.” dagdag ni Niwa. “Ang pag-sasagawa nila ng kanilang trabaho ay napaka-bulgar at pinag-isipang mabuti ang preparasyon nito. Ang mga parte ng drum ay maaaring mabenta sa mahal na presyo sa mga auctions kung kaya’t maaaring re-selling ang motibo sa pag-nanakaw.”
Ito ay hindi ang unang insidente ng pag-nanakaw sa nasabing game center. Dahil isang parte ng drum ang ninakaw nuong naka-raang buwan lamang.
Bilang pag-iwas sa pag-nanakaw ang itaas na bahagi ng drum ay naka-lock sa katawan ng drum. Ngunit pinatunayan lamang ng kasalukuyang kaso na ito ay hindi sapat dahil na-bitbit ng mga salarin ang buong unit ng drum. Ang drum ay nagkaka-halaga ng isang milyong yen.
Ang pag-release ng video sa publiko ay masusundan ng pag-file ng complain sa mga pulis, ani ng Wizard Company.
Source: The Mainichi
Video: youtube
Join the Conversation