TOKYO- ang Oriental Land Co, ang kumpanyang nagpapa-takbo sa Tokyo Disneyland at DisneySea ay inanunsyo na ang pangalan ng ika-walong port ng Tokyo DisneySea na naka-set na mag-simula sa taong 2022. Sa laki na 140, 000 square meters at nagkaka-halaga ng tinatantyang 250 bilyong yen, ang “Fantasy Springs” ay magiging pinaka-ambisyosong expansion mula ng mag-bukas ang DisneySea nuong taong 2011.
Ayon sa press realese, kapag tumapak ka sa loob ng Fantasy Springs, makaka-diskubre ka ng waterfalls at ponds na mayroong “dumadaloy na magical spring waters” kung saan “papatnubayan ka nito sa fantastic world ng istorya ng Disney.” Ang mga guest ay masisiyahan sa 4 na atraksyon na mayroong tema mula sa pelikula ng Disney. 2 rito ay mula sa “Peter Pan”, 1 sa “Frozen” at ang isa naman ay mula sa pelikulang “Tangled”.
Bilang karagdagan rito, magkakaroon ng 3 bagong restaurant at 1 bagong Disney Hotel, na mag-aalok ng deluxe at luxury level ng accommodations.
Nagsa-gawa ng ritwal ang mga Shinto Priest upang pormal na umpisahan ang groundbreaking ng lugar nitong Martes. Dumalo rin ang Chairman ng Walt Disney Co. na si Robert Iger.
Artist Concept Images
Bilang karagdagan sa nauna nang nailabas na imahe ng 3 atraksyon at ng hotel, ini-release naman ang mga bagong larawan ng entrance at spring area.
FROZEN
TANGLED area
PETER PAN area
“FANTASY SPRING” entrance Araw at Gabi
Mga Springs sa bandang kanan ng entrance (Araw at Gabi)
Mga springs sa loob ng “Fantasy Springs” (Araw at Gabi)
Bagong Disney Hotel
Future Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea project
Ang “Fantasy Spring” ay ang may linyang pula sa mapa sa itaas ay isa lamang sa ilang mga kasalukuyang proyekto na idini-develope ng Tokyo Disneyland (TDL) at Tokyo DisneySea (TDS). Ito ang kasalukuyang mga ischedule ng mga major na proyekto:
- July 23, 2019: Soaring: Fantastic Flight (TDL) {area shaded in blue}
- July 2019 (tentative): new multi-level guest parking complex (TDL) {area outlined in bright yellow}
- Spring 2020 (tentative): A new attraction centered on “The Beauty and the Beast”, “Fantasyland Forest Theater,” “The Happy Ride with Baymax,” and “Minnie’s Style Studio” (TDL) {areas shaded in green}
- 2021 (tentative): A new hotel in a theme based on “Toy Story.” (TDS) {area outlined in gold}
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation