Summer na sa Japan at sinimulan na ang kampanya ng “Cool Biz” ngayong Martes, na ang mga karamihan na na nagtatrabaho ay nakasuoot ng kaswal lamang. Sa ibang tao, ito rin ang unang araw ng Reiwa Era pagkatapos ng 10 araw na holiday.
Sa distrito ng Kasumigaseki sa Tokyo, kung saan matatagpuan ang mga opisina ng gobyerno, makikita na ang ang mga lalaki na dumarating sa opisina na walang suot na neck tie o jacket.
Sa Environment Ministry naman, mapapansing bukas ang mga bintana at ang mga tao sa opisina ay nakasuot ng Hawaiian Shirts.
Sabi ng isang 40 taong gulang na lalaki na ang Heisei ay isang magulong era kaya sa panahon ng Reiwa ninais nyang baguhing ang pakiramdam na maging kalmado habang ginagawa ang kanyang mga tungkulin.
Ang babae namang naka sneakers at hawaiian shirt ay nagsabi na mainit kaya minabuti nyang magsuoot ng kaswal na kasuotan. Sabi pa nya, Heisei lang ang alam nyang era kaya inaabangan nya ang bagong era.
Ang kampanya ng gobyerno na “Cool Biz” ay hinihikayat ang mga tao na mag-suot ng di gaanong pormal o kaswal na damit at gamitin ang kanilang mga air conditioners hanggang 28 degrees celsius lamang simula Mayo 1 hanggang Septyembre 30, 2019.
Ang layunin ay mapababa ang greenhouse gas emission galing sa mga kabahayan ng 40 porsyento sa taong 2030 mula sa level noong 2013. Ang pagtitipid sa kuryente ay inaasahang isa sa mga pangunahing isyu sa panahon ng Reiwa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation