Si Prime Minister Abe ay nag-bigay ng kautusan na gumawa ng panukala na mabigyang seguridad ang kaligtasan sa kalsada ang mga preschoolers

Pag-sisigurado na ligtas ang dinaraanan ng mga bata, bagong panukalang ini-utos ni Prime Minister Abe.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSi Prime Minister Abe ay nag-bigay ng kautusan na gumawa ng panukala na mabigyang seguridad ang kaligtasan sa kalsada ang mga preschoolers

Ininstaksyonan ni Prime Minister Shinzo Abe nuong Martes ang mga ministro na siguraduhing ligtas ang kalsadang dinaraanan ng mga preschoolers. Matapos mangyari ang isang insidente kung saang may mga batang namatay.

Nagpa-tawag rin ng kaukulang hakbang si Abe para sa makabagong teknolohiya tulad ng automatic braking system upang mapa-husay ang seguridad ng mga sasakyang minamaneho ng mga matatanda, sa gitna ng pag-aalala dahil sa dami ng insidenteng kinasasangkutan ng mga Senior Citizens kapag sila ay nasa likod ng manibela.

 

“Upang ma-protektohan natin ang buhay ng mga kabataan, nais ko na mag-tipon kayo ng mga hakbang upang ma-sigurado ang daanan o kalsada na dinadaanan ng mga bata sa araw-araw.” sinabi ni Abe sa isang pag-pupulong kasama ang mga pinuno ng Lupon ng Edukasyon, Welfare Ministry at mga Kapulisan.

Nitong buwan lamang, isang insidente ng banggaan ang nangyari sa Otsu, Shiga Prefecture. Sa insidenteng ito ang kotseng binangga ay tumama sa isang grupo ng mga bata na nag-lalakad kasama ng kanilang guro, kung saan isang 2 taong gulang na bata ang namatay habang 14 bata naman ang sugatan.

Nuong nakaraang buwan, isang 87 anyos na matandang driver ang naka-bunggo ng mga tumatawid at mga taong nak-bisikleta sa ilang tawiran sa Ikebukuro District sa Tokyo na nag-resulta ng pagka-matay ng 3 taong gulang na batang babae at ng nanay nito, habang ito ay nag-iwan ng 8 kataong sugatan.

“Patuloy na nangyayari ang mga nakalukungkot na insidente kahit na gumawa na ng kaukulang hakbang upang ito ay maiwasan.” ani ni Abe. Tinutukoy nito ang isinagawang Cognitive Function Test na isinagawa para sa mga matatandang nag-mamaneho sa ilalim ng Revised Road Traffic Law.

Matapos ang pag-pupulong, ang naka-talagang ministro para sa atraffic Safety na si Mitsuhiro Miyakoshi ay nag-salita matapos ang press conference na siya ay magsasa-gawa ng grupo upang talakayin ang mga isyu base sa instruksyon ni Abe.

Matapos ang kahindik-hindik na aksidente sa Otsu ang Transport Ministry ay agad na nagsa-gawa ng road safety check-up na palaging dinaraanan ng mga bata sa buong bansa.

Source: Japan Today

Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund