Shopping complex sa Osaka nag-aalok ng VR ninja experience bilang bagong attraction

Ang isang shopping complex sa Osaka ay naglabas ng mga pinakabagong attraction nito sa press noong Miyerkules, kabilang ang isang laro na nag-aalok sa mga bibisita ng karanasan ng pagiging isang virtual reality ninja.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
A shopping complex in Osaka unveils its new attractions to the press on May 29, 2019, including a game that offers visitors the experience of becoming virtual reality ninja. (Kyodo)

OSAKA (Kyodo) – Ang isang shopping complex sa Osaka ay naglabas ng mga pinakabagong attraction nito sa press noong Miyerkules, kabilang ang isang laro na nag-aalok sa mga bibisita ng karanasan ng pagiging isang virtual reality ninja.

Ang expansion ng complex ng Jo-Terrace Osaka, sa Osaka Castle Park ay isinagawa ng mga operator dahil sa pagdami ng mga dayuhan at lokal na turista na dumadalaw sa pangunahing makasaysayang lugar, na binubuo ng isang castle ng ika-16 na siglo.

Ang VR attraction, na pormal na bubuksan sa Huwebes, ay magbibigay sa mga turista ng pagkakataong makasuot ng damit ng ninja – kasuotan noong feudal Japan at magsusuot ng VR googles at makapaglaro ng game na dapat nilang protektahan ang kastilyo mula sa mga demonyo.

Ang laro ay magagamit sa wikang Hapon, Ingles, Chinese at Koreano.

Kasama rin sa complex ang anim na bagong ramen noodle restaurant pati na rin ang isang lugar kung saan ang mga customer ay maaaring makatikim ng wagyu beef at sake.

“Gusto kong madama ng mga turista ang kagandahan ng kultura ng Hapon sa pamamagitan ng ninja experience at tradisyonal na pagkain,” sabi ni Yoshinobu Takahashi, presidente ng Digisurf Inc., ang operator ng mga bagong atraksyon. Sinabi ng kumpanya na inaasahan nito ang 300,000 na bisita bawat taon.

The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund