TOKYO
Ang abalang Shibuya district ng Tokyo ay nagpasya na i-ban ang pag-inom ng alak sa ilang mga kalye sa panahon ng Halloween, sinabi ng mga opisyal noong Lunes.
Ang pagbabawal na nag-aaplay sa mga panlabas na lugar sa paligid ng Shibuya Station ay maipapatupad ngayong taglagas kasunod ng maraming mga insidente noong nakaraang taon, kabilang ang pag-overturn o pagtaob sa isang maliit na truck na humantong sa pag-aresto ng ilang mga tao na nasa kanilang 20s.
May kabuuang 300,000 katao, karamihan ay may edad na mula sa kanilang mga late 30’s, na sumasali sa parehong mga Japanese at foreigners na nakasuot ng mga costume, na naka-tambay sa mga sikat na kalye ng Shibuya noong Halloween noong Oktubre 31, ayon sa pulisya ng Tokyo.
Isang panel ang itinatag ng Shibuya Ward upang talakayin kung ano ang gagawin sa mga lumalaki mga insidente dahil sa mga pasaway na mga tao sa mga public space sa distrito, isa sa mga pangunahing lugar ng libangan ng kabisera, sa panahon ng taunang pagdiriwang, na nagsimulang maging popular sa Japan noong 2000s.
Ang panel ay inaasahang magi-isyu ng isang interim na ulat sa Miyerkules. Ang ward ay nagnanais na magpasya sa mga parusa at magsumite ng draft ng ordinansa sa mga miyembro ng pagpupulong, na may layunin na mapapatupad ang ordinansa na ito.
© KYODO
Join the Conversation