UTSUNOMIYA, Tochigi
Isang 46-taong-gulang na lalaki ang napatay matapos ang isang kotse na hinabol ng pulisya ay bumangga sa kanyang sasakyan sa Utsunomiya, Tochigi Prefecture, noong Lunes.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa paligid ng 3:20 ng umaga sa National Route 4. Isang patrolya ng pulisya ang nakakita ng kotse na may dalawang lalaki sa parking lot ng isang convenience store na “kahina-hinala” ang mga kilos, iniulat ng Fuji TV.
Nang sabihan ng pulisya ang kotse na huminto, humarurot ito ng takbo na hindi pinansin ang red light. Hinabol ang kotse ng pulis na naka-siren at ilaw.
Ang kotse ay lumihis sa sentro ng linya sa isang curve at bumangga head on collision sa isang kei na sasakyan. Ang driver ng kei car na si Tatsuya Kudo, isang empleyado ng kumpanya, ay nagtamo ng malubhang pinsala. Dinala siya sa ospital kung saan namatay siya matapos ang 90 minuto.
Sinabi ng pulisya na ang 22-taong-gulang na driver ng kotse na hinahabol ay nagtamo ng bal8 sa binti, habang ang kanyang 21-taon gulang na kaibigan ay nasa malubhang kundisyon at na-comatose. Ang driver ay isinailalim sa isang breathalyzer test ngunit hindi pinalabas ng pulisya ang resulta.
Source: Japan Today
Join the Conversation