TOKYO (TR) – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang Pilipino dahil sa hinalang panggagahasa sa isang high school na estudyanteng lalaki noong nakaraang taon. Iniulat ng NHK (May 25).
Noong nakaraang Augusto, si Beland Yaron, 23 taong gulang, ay diumano’y ginahasa ang batang lalaki na noon ay isang third-year high school student sa loob ng isang hotel sa Shinjuku Ward matapos magpanggap ito na siya ay isang television producer. Sinabi ng suspect sa biktima na “gusto kitang i-cast sa isang tv program,” ayon sa ulat.
Dahil napaniwala ang biktima sa mga sinasabi ni Yaron na siya ay isang producer, inakusahan din siya ng police ng quasi-coerced intercourse. Sinabi naman ng suspect sa Yotsuya Police Station na ang nangyaring pagtatalik ay “concensual” at madiin niyang itinatanggi ang mga paratang sa kanya.
Ang batang lalaki ay nakatira sa Shiga Prefecture. Ayon sa police, nakilala ng biktima si Yaron sa isang social-networking service. At simula noon, pinaniwala siya ng suspect na siya ay isang producer ng television programs at sinabihan siyang pumunta sa Tokyo.
Iniimbestigahan din ng Police kung may iba pang naging biktima sa ganitong paraan si Yaron.
Source: News 24.jp
Join the Conversation