Patuloy ag pag-buhos ng malakas na pag-ulan sa Kyushu, southwestern ng Japan.
Ayon sa Meteorological Agency, mainit at mahalumigmig na hangin mula sa timog ang nag-dudulot ng pagbabago-bago sa kondisyon ng atmospera sa lugar na nag-dadala ng mga torrential rains.
Sa Nichiman City sa Miyazaki Prefecture, mahigit 420 milimeters ng ulan ang naitala mula pa nuong Biyernes. Ito ay higit pa sa normal na precipitation para sa buong buwan ng Mayo.
Nag-baba na ng mudslide warning sa ibang parte ng Miyazaki Prefecture.
Sinabi ng mga opisyal ng weather forecast, pabugso-bugsong malakas na ulan ang mararanasan sa kanluran at silangang bahagi ng bansa habang unahan ng low pressure system ay umaandar pa-hilaga.
Umabot ng mahigit 250 milimeters ng ulan ang inaasahan sa ilang lugar sa loob ng 24 oras mula Martes.
Nag-bigay din ng babala sa landslide at biglaang pag-taas ng mga ilog ang mga opisyales.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation