Pananaksak na naganap sa Tokyo, 2 sa biktima at ang suspect patay at 14 katao ang sugatan

Isang batang babae na nasa kanyang elementarya at isang lalaki na nasa kanyang 30's na pinaniniwalaang magulang ng isa pang mag-aaral ang namatay at 14 na iba pa ang nasugatan matapos ng manaksak ang isang tao noong umaga ng Mayo 28, ayon sa Kanagawa Prefectural Police.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Emergency workers tend to the injured near the scene of a stabbing in Tama Ward in Kawasaki, Kanagawa Prefecture, at 8:31 a.m. on May 28, 2019, seen in this photo taken from a Mainichi Shimbun helicopter. (Mainichi)

KAWASAKI – Isang batang babae na nasa kanyang elementarya at isang lalaki na nasa kanyang 30’s na pinaniniwalaang magulang ng isa pang mag-aaral ang namatay at 14 na iba pa ang nasugatan matapos ng manaksak ang isang tao noong umaga ng Mayo 28, ayon sa Kanagawa Prefectural Police.

Dinampot ng mga opisyal ang isang taong pinaniniwalaan nila na siyang gumawa ng krimen, ngunit namatay din ito kalaunan.

Nakatanggap ang pulisya ng tawag sa paligid ng 7:45 ng umaga noong Mayo 28 mula sa isang babae na  papunta sa kanyang trabaho at ini-report na may “nananaksak sa kalye,” at madaming tao ang nasaksak nito sa distrito ng Shinmachi sa Tama Ward ng lungsod.

Ang isang babae na nasa kanyang 40’s at dalawang batang babae sa elementarya ang malubhang nasugatan. Batay sa kalagayan ng pag-atake, pinaniniwalaan na ang suspect ay nang-target ng mga pedestian at sinisiyasat ng pulisya ang atake at kung ano ang motibo ng pananaksak.

Sinabi ng pulisya ng prefecture na nang dumating sila sa pinangyarihan, naabutan nila ang isang lalaking duguan na nakatumba sa damuhan. Nakitaan ng dalawang duguang kitchen knife malapit na lalaki kaya’t hinala nila na ito ang suspect sa pananaksak at nakitaan din ng dalawa pang kutsilyo ang lalaki. Sinaksak ng lalaki ang kanyang sarili sa leeg, dinala siya sa hospital subalit namatay din kalaunan. Ang suspect ay 51-taong-gulang na residente ng Asao Ward ng Kawasaki, ang pulis ay nagmamadali upang kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan at motibo para sa pag-atake.

Ang crime scene ay malapit sa Noborito Station sa Odakyu Line. Ang mga estudyante mula sa Caritas Elementary School, na matatagpuan sa halos 1.5 kilometro hilagang-kanluran ng istasyon ng tren, ay naghihintay ng kanilang school bus nang bigla silang atakihin ng suspect at isa isa silang saksakin. Nang napansin ng bus driver at tinanong kung anong ginagawa niya, bigla niyang sinaksak ang kanyang sarili sa leeg.

May mga nakita din na mga bakas ng dugo sa convenience store sa kanluran ng hintuan ng bus, at ang tatlumpu’t tatlong gulang na lalaking namatay at ang babae na nasa edad na 40 taong gulang na seryosong nasugatan ay pinaniniwalaan na inatake sa lugar na ito.

Ayon sa Kagawaran ng Kawasaki, ang mga nasugatan ay dinala sa ospital ng St. Marianna University School of Medicine, Kawasaki Municipal Tama Hospital, Shin-Yurigaoka General Hospital at Nippon Medical School Musashi Kosugi Hospital. Ang Musashi Kosugi Hospital, kung saan dinala ang dalawang biktima na namatay, ay nagsabi na nagtamo ang mga mgaalubhang nasugatan na biktima ng salsak sa kanilang mga leeg.

(Japanese na orihinal ni Nao Ikeda at Ai Kunimoto, Yokohama Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund