Ang pagbalik ng mga bakasyunista sa Tokyo pagkatapos ng Japan’s Golden Week holiday ay lalong dumami noong Linggo, na halos punuin ang mga pangunahing airport at railway station ng buong araw.
Sa pagbalik ng mga tao sa Martes upang bumalik sa trabaho, ay napuno ang mga reserved seats ng Tokyo bound bullet trains.
Ang mga expressways patungong Tokyo ay barado sa sasakyan at ang mga airport ay puno ng mga manglalakbay.
Sa Narita airport, si Junta Ogata, 24 taong gulang na taga Kawasaki City malapit sa Tokyo ay pabalik na sya galing sa kanyang bakasayon sa France. ” Ang sarap at ang saya ng bakasyon ko. Nakaka-depress isipin na kailangan ng bumalik sa trabaho sa Martes, at kailangan ko ng magsimulang ihanda ang sarili ko para bukas.”
Inaasahan ng East Nippon Expressway Co. ang haba ng pila ng mga sasakyan hanggang 40 kilometro sa Tokyo bandang Kazo Interchange sa Tohoku Expressway, habang ang traffic ay inaasahan din ng 30 kilometro ang haba malapit sa Tomei Expressway’s Yamato Tunnel, sa southwest outskirts ng kapital.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation