Video ng isang lalaki na sinadaang sinalakay ang isang grupo ng mga kabataan na naghihintay sa isang bus ng paaralan sa Kawasaki, malapit sa Tokyo noong Martes ay nakuha sa onboard camera ng bus.
Ang pag atake gamit ang kutsilyo ay pumatay sa 2 batang babae na nasa ika-anim na grado at isang opisyal ng Japanese Foreign Ministry at 17 na sugatan.
Ang sumalakay, isang 51-taong-gulang na si Ryuichi Iwasaki, ay namatay din dahil sa sugat ng kutsilyo sa sarili.
Sabi sa imbestigasyon sa NHK ang buong pag-atake ay naitala sa dash-cam. Makikita na ang suspek ay tumatakbo na may hawak na kutsilyo sa magkabilang kamay, na biglaang umatake sa mga biktima.
Makikita sa video na karamihan sa mga biktima ay nasaksak na bago pa sila makatakas.
Hihinala ng pulisya na ang layunin ng pagsalakay ay upang makapanakit lamang sa maraming tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation