http://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=Z0g7nbBYcVE
Sa Kitakyushu, isang english teacher mula sa Canada na nag-tatrabaho sa isang day care center. Ang masabing guro ay namalo ng puwet ng isang bata maliban pa sa ibang pang bayolenteng ginawa nito sa loob ng pasilidad, sinabi ng mga opisyal ng lungsod sa Mainichi Shimbun nuong ika-15 ng Mayo.
Lumabas ang nasabing insidente dahil sa pag-post sa social media ng isang tao na pamilyar sa sitwasyon ang pang-aabuso na ginawa ng nasabing guro.
Sa video, makikita ang Canadian instructor na pinapalo ang 2 taong gulang na batang lalaki at saka hinahatak ito ng may pwersa sa damit sa isang hindi rehistradong day care center, sa Kokurakita Ward ng Kitakyushu, western Japan. Ito ay tinatantyang nangyari sa pagitan ng Pebrero at Marso nitong taon. Wala namang naibalitang napinsala ang bata.
Nagsa-gawa ng special on-site inspection ang munisipal na pamahalaan sa pasilidad at nag-issue ng verbal instructions sa mga opisyal nito nuong ika-14 ng Mayo.
Ang nasabing paalagaan ng bata ay nag-babantay sa mga batang nag-eedad na 1 1/2 at 6 na taong gulang. Isa sa mga features nito ay ang pakikipag usap ng mga bata gamit ang wikang Ingles sa mga native speakers.
Ayon sa Child’s care division ng lungsod, nuong Abril, nag-report umano sa lungsod ang isang lokal na residente tungkol sa nangyayaring pang-aabuso. Ngunit, ito ay pimabulaanan ng day care center. At nuong ika-13 ng Mayo ay may tumawag ulit at nag-sabi na may lumabas na video at ipinost ma sa social media na nag-papakita sa pang-aabuso ng nasabing guro. Kinumpirma ng mga opisyal ang nagawang pananakit ng banyaga sa mga bata sa pamamagitan mga nasabing video.
Napilitang umamin sa mga opisyal ng lungsod ang nasabing day care center na may pang-aabuso ngang mangyari at agad nila itong inaksyonan sa pamamagitan ng agarang pag-suspende sa Canadian teacher na epektibo mula May 14. Nagsa-gawa naman agad ng briefing session para sa mga magulang ang nasabing pasilidad nuong gabing yun.
Nuong sinubukang tawagan ng The Mainichi nuong May 15, isang taong may kaugnayan sa day care center amg nag sabi na wala siyang masasabi at ukol sa kaso at nag-sabi na, “Hindi ako makakapag-bigay ng kahit anong pahayag dahil kasalukuyang nag-babantay kami ng mga bata.”
“Ang katunayan na kumalat online ang video ng walang pumigil ay nagpapa-kita lamang na sila ay walang konsiderasyon sa mga bata.” komento ng isang taga-pangalaga ng isang batang pumapasok sa naturang pasilidad.
Sinabi ng isang opisyal ng Child Care Division ng lungsod na “Patuloy ning susubaybayan ang nasabing pasilidad at mag-bigay ngga training sessions sa mga hindi rehistradong day care center.”
Source: The Mainichi
Video: Youtube
Join the Conversation