Murder/ Suicide; pinaghihinalaan, matapos matagpuan ang 2 bangkay sa magkaibang lugar

Isang bangkay ang natagpuan mula sa isang nasusunog na sasakyan sa natuyong ilog sa Yuki City nitong Lunes. (Twitter) Ibaraki Prefectural- iniimbestigahan ngayon ng kapulisan ang pinaghihinalaang Murder/ Suicide matapos makatagpo ng bangkay sa loob ng isang sasakyan at sa isang bahay, ayon sa TBS News (May 7). Dakong alas 8:30 ng umaga noong Martes, isang basurero ang tumawag sa mga pulis ukol sa isang sasakyang na nakitang nasusunog sa gitna ng natuyong Kinugawa River sa Yuki City. Kinuha ng mga pulis ang isang sunog na bangkay mula sa sasakyan. na di pa matukoy ang kasarian. Nang puntatahan ng mga pulis ang nasabing address sa Chikusei City kung saan nakarehistro ang sasakyan. Natagpuan din nila ang bangkay ng isang ginang, hinihinalang nasa setentay anyos, na tadtad ng saksak ang katawan. Napatunayan din na ito ay namatay na dahil sa mga tinamong sugat. Natagpuan din ang isang matalim na bagay na...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang bangkay ang natagpuan mula sa isang nasusunog na sasakyan sa natuyong ilog sa Yuki City nitong Lunes. (Twitter)

Ibaraki Prefectural- iniimbestigahan ngayon ng kapulisan ang pinaghihinalaang Murder/ Suicide matapos makatagpo ng bangkay sa loob ng isang sasakyan at sa isang bahay, ayon sa TBS News (May 7).

Dakong alas 8:30 ng umaga noong Martes, isang basurero ang tumawag sa mga pulis ukol sa isang sasakyang na nakitang nasusunog sa gitna ng natuyong Kinugawa River sa Yuki City.

Kinuha ng mga pulis ang isang sunog na bangkay mula sa sasakyan. na di pa matukoy ang kasarian.

Nang puntatahan ng mga pulis ang nasabing address sa Chikusei City kung saan nakarehistro ang sasakyan. Natagpuan din nila ang bangkay ng isang ginang, hinihinalang nasa setentay anyos, na tadtad ng saksak ang katawan.

Napatunayan din na ito ay namatay na dahil sa mga tinamong sugat. Natagpuan din ang isang matalim na bagay na puro dugo sa lugar ng pinangyarihan sabi ng pulis.

Napag-alaman din na matandang mag asawa ang nakatira sa nasabing bahay. Hinihinala ng  kapulisan na ang sunog na bankgay na kanilang natagpuan sa sasakyan ay ang asawang lalaki. Pinaniniwalaan na pinagsasaksak nito ang kanyang asawa bago siya nagpakamatay sa loob ng sasakyan.

Kasalukuyang kinukumpirma ng kapulisan ang identity ng mga bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund